Tuesday, February 20, 2018

WHAT PEOPLE THINK

This is why it is useless to worry about what others think... If you agree, please like and share with your friends

Thursday, January 4, 2018

TAKES TIME!

Lahat ng bagay ay merong starting point. Wala pangyayaring dumeretso sa kataposan na hindi dumaan sa umpisa. Maraming bagay na pwede nating ihambing sa ganitong scenario. Ang pinakahalimbawa nito ay ang tao, dumaan muna tayo sa pagiging fetus, naging bata, binata at saka naging matanda. Habang lumalaki tayo, marami tayong pinagdadaanan. Minsan madali pero kadalasan sobrang hirap. Ganun pa man, hito pa rin tayo, patuloy na nagsusumikap. Bata man o matanda kailangan nating maghirap para mabuhay.  Hindi lahat ng kasiyahan ay nadadaan sa pera o sa kayamanan.

Marami namang mayayaman dyan pero hindi masaya. Marami ding mahihirap na kahit walang ulam pero kung pagmasdan mo sila, ang saya-saya nila. Hindi nasusukat ang kaligayahan sa estado ng bawat isa. Nagdi-depende pa rin ito sa bawat isa kung paano natin pinatakbo ang ating mga buhay. Ang buhay natin ay parang gulong, minsan nasa ibabaw, minsan din nasa ilalim. Walang bagay na buhay, ang nananatili mula umpisa hanggang ito'y natapos na. Ang buhay ay laging nagbabago. 

Ang tagumpay ng isang tao ay hindi tulad ng isang magical event na sa isang iglap lang mangyayari na ang lahat ayon sa kagustuhan mo. Merong proseso ang tagumpay na gusto mong abutin. Walang tagumpay ang hindi dumaan sa hirap, minsan pa nga sobrang hirap ang pagdadaanan bago mo ito marating. Masarap lasapin ang tugatog ng inyong tagumpay pag napagdaanan mo halos lahat ng paghihirap. Maraming successful na mga tao ngayon, di natin alam ang karamihan sa kanila dumaan sa sobrang hirap. Maaaring isa lang ang alam natin, ang kanilang common denominator.... ito'y ang salitang PAGHIHIRAP.

Pinagdadaanan na nila lahat na hirap pero hindi pa rin sila nagpatinag. Lagi pa rin silang naka focus kung ano ang meron sa unahan kung sakaling nakayanan nila ang paghihirap sa daan. Oo, it really TAKES TIME pero worth it naman kapag narating mo ang tugatog ng iyong tagumpay. Ang hirap ay mararamdaman mo lang sa umpisa, pero pag nasanay kana, hindi mo na ito alintana pa. Kaya mo ng harapin maging ano paman yan, ang importante sayo ay makarating sa FINISHING LINE.

OK lang na mahihirapan ka sa mga sandaling panahon, wag ka lang maghihirap sa habang panahon. OK lang na maghihirapan ka, basta wag lang maghihirap ang mga anak mo bukas makalawa. OK lang na pagtawanan ka nila, basta nasa iyo pa rin ang huling tawa.

Ang buhay ay magulo, kadalasan hindi mo maintindihan ang ikot ng panahon. Maraming pagbabago, maraming nawala at marami ding dumating. Kung affected kaman sa dalawa, lagi mong tandaan - GOOD THINGS TAKE TIME!

JUST TRY AND YOU WILL KNOW!

Kung mapapansin nyo, marami sa ating mga nakasalamuha araw-araw ay mga taong ang gagaling sa kahit anong larangan sa buhay. Oo magaling talaga sila pero ang problema, karamihan sa kanila hanggang sa salita lang. Maraming taong mahilig mag comento ng hindi maganda sa isang bagay, kunwari naranasan na nila ito pero sa totoo hindi. Yon ang mga taong nagmamagaling para mapuri at feeling angat sa lahat.


Napakarami ng ganung klaseng tao. Kung hindi mo sila kilatisin akala mo ang lahat na sinasabi ay totoo pero sa likod pala nito ay pawang kasinungalingan lamang. Malamang meron kang kilalang tao na tulad nila, at hindi natin ka rin mapakali kung makasama mo sila sa laro, sa inoman o kahit sa simpleng usapan. Sila lagi ang bida sa lahat ng oras at gustong laging angat sa kahit anong uri ng pinag-uusapan ng tropa o magbabarkada.

Magkaiba yong may alam kay sa nagkukunwaring may alam. Maganda pakisamahan ang maraming alam kay sa yong nagkukunwari lang na may alam. Hindi na mabilang ang naging kakilala at kaibigan ko simula nong ako'y musmos pa lamang. Kahit maingat ako sa pakikisama ng mga ibang tao, hindi talaga maiiwasan makasama mo ang mga taong nagkunwaring maraming alam. Yong tipong, maraming naikwento sa isang topic na alam mo naman na hindi nya ito napagdaanan. Ang sa kanya puro kayabangan lamang. 

Ang ganitong tao ay pwede mo makasama sa trabaho. Ito'y malaking hadlang sa lahat na gusto mong maabot kasi ito ay laging bumibida sa boss mo o sa mga kasamahan mo. Gusto nito ay laging center of attraction. Nakakapikon minsan pero kailangan mong pakisamahan. Mabuting wag mo nalang pansinin para ikaw ay kanyang lulubayan.

Isa sa pinaka ayaw ko sa ugaling ng mga maraming alam ay yong pag kinausap mo tungkol sa isang bagay, nagsasalita na ito ng patapos. Halimbawa nalang, pinakilala mo sa kanya ang isang produkto, hindi pa tapos ang iyong introduction hinarang kana nya at sinasabihan kana agad ng hindi maganda ang nabanggit na produkto dahil yon ang sinabi daw ng iba o yon ang nababasa nya. Ni hindi man lang nya nasubukan kung totoo ba ito o hindi. Ang sa kanya may nasabi sya at hindi pinapansin kung ito'y nakakapikon sa kausap nya dahil sa pagiging pagmamarunong nya.

Ang tao ay may kanya-kanyang ugali. Pero para sa akin, hindi porket hindi tayo pareho ng ugali at pag-iisip, ay pwede mo na akong aapakan para lang ikaw ay lumamang. Wag pilitin na maging sayo ang panahon, kung hindi naman naman talaga ito para sayo. Ang mabuti antayin mo ang oras na para sa iyo para maging masarap ang pakikiramdam mo.

Sunday, November 12, 2017

KAILANGAN MONG UMAKSYON

Imagine naglalakad ka sa tabing dagat.

Habang naglalakad ka, may nakita kang nakabaon sa buhangin.

Kumikinang at kulay gold.

Na-curious ka kaya nilapitan mo.

"Baka ginto yun ah!"... sabi mo pa.

Paglapit mo nagulat ka...
Ginto nga! ...gintong lampara!

Napangiti ka pa kasi na-imagine mo si Aladin.

Pero medyo luma na yung lampara.
Madumi at may konting kalawang.

Hindi mo alam kung anong gagawin mo...
Pupulutin mo ba yung lampara o uuwi ka na lang.

"Sige na nga, wala namang mawawala!"... sabi mo.

Kaya yumuko ka at pinulot mo yung lampara.

Paguwi mo ng bahay, pinunasan at pinakintab mo yung napulot mo.
Naka ngiti ka kasi asa isip mo... "Baka biglang may lumabas na genie."

15 minutes ka ng nagpupunas.

Biglang naginit yung lampara at...

POOOOOOOOOF!

May lumabas na usok, kulay blue at korteng tao.

At bilang nagsalita...

"Your wish is my command!"

Anak ng tipaklong!... may GENIE NGA!

"Sabihin mo lang ang wish mo, susundin ko."
"Basta isang kondisyon!"
"Dapat araw-araw mong aalagaan at lilinisan ang lampara ko. Deal?"

...yan sabi nung Genie.

Hindi ka makapaniwala.
Kala mo panaginip.

Pero sabi mo, sige na nga wala namang mawawala.

Kaya nag-wish ka...

"Ang 1st wish ko, ayaw ko ng pumasok sa trabaho."
"Lagi na lang trapik ang liit pa ng sahod."
"Gusto ko na ng passive income."
"Gusto ko may income kahit andito lang ako sa bahay."

"Your wish is my command!"...sabi ni Genie

POOOOOOOOOF!

Nagkatotoo nga ang wish mo!

Wala ka ng trabaho pero may income ka pa din.

Ang sarap ng buhay mo!

After 1 week... Gusto mo ulit mag-wish

Kaya ganun ulit ginawa mo.
Pinunasan at nilinisan mo ulit yung lampara.

This time mas-excited ka.

Alam mo na kasi ang iwi-wish mo.

Sabi mo...

"Gusto ko ng convenience!"
"Gusto ko makapunta kahit saan... anytime."
"Gusto ko ng sarili kong sasakyan!"

Kaso 30 minutes ka ng nagpupunas, wala pa din.

Sumasakit na kamay mo, medyo naiinip ka na.

Pero biglang naginit ulit yung lampara at...

POOOOOOOOOF!

Lumabas ulit si Genie.

Sabi mo agad...

"Gusto ko ng brand new car!"

"Your wish is my command!"...sagot ni Genie.

Nagkatotoo nanaman!
May brand new car ka na!

Isang buwan kung saan-saan ka namasyal!
After 1 month, ready ka na sa next wish mo.

Kaya ganun ulit ginawa mo.

Kinuha mo yung lampara at nilinisan mo.

Pero this time, mas-excited ka.

Magde-demand ka kasi kay Genie ng malaki.

Kaya pinunasan mo ng mabuti ang lampara.

Ang tagal lumabas ng genie...

Inabot ka na ng gabi wala pa din.

Hihinto ka na sana pero biglang naginit yung lampara...

POOOOOOOOOOOOOOF!

Andito na si Genie!

Sabi mo kagad...

"Genie gusto ko ng bagong buhay!"
"Gusto ko na hindi na ko magaalala sa pera!"
"Gusto ko din ng sarili kong bahay!"
"Gusto ko ng maraming oras!"
"Gusto ko ng FREEEEEEDOM!"

"No problem!"... sabi ni Genie.

..."Your wish is my comm"

KRIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIINGG!!!!

Biglang nag-alarm ang cellphone mo.

Kaylangan mo na palang gumising.

May pasok ka pa pala.

Sayang kala mo totoo na si Genie.

Sayang kala mo makukuha mo na mga pangarap mo.

Panaginip lang pala.

Panaginip nga lang ba?
Di ba may-online business kang nakita?

Business na kayang magbigay ng mga gusto mo.

Hindi mo nga lang pinansin.
Hindi mo nga lang pinulot.
Hindi mo nga lang inalagaan.

Araw-araw andaming nakakapanood ng VIDEO na 'to.

Yung iba gumagawa kagad ng aksyon.

At kinukuha ang mga pangarap nila.

Sila yung mga kumikita at nakakakuha ng mga gusto nila.

Itong magiging business mo, 'ito ang parang genie mo.

It can give you all your wishes.

Pero kaylangan mong pulutin, iuwi sa bahay at alagaan.

Kaylangan mong magdesisyon at umaksyon.

Walang Genie!

At walang ibang magbibigay sa'yo ng mga wish mo.

Pero ikaw, kaya mong tupadin ang mga wish mo.

Kaya mong gumawa ng aksyon kung talagang gugustuhin mo.


Your #1 Fan,

Fibo Lim

SUNDIN ANG MGA BABALA


Alam mo bang dito sa Pinas, may 6-9 na bagyong dumarating taon-taon? 

Isang gabi may malakas na bagyo.

Umulan ng wlang tigil kaya bumaha.

Lumikas na ang lahat pero may isang naiwan.

Stranded s’ya sa bubong ng bahay n’ya.

Si Michael

Sobrang takot n’ya.

Ayaw n’ya pang mamatay.

Kaya nagdasal s’ya.

Habang nakatingin sa langit, sumigaw s’ya

“Lord iligtas n’yo po ako! Wag n’yo kong hayaang mamatay!”

Ilang minuto lumipas, may dumating na bangka.

Niyaya s’ya nung mga nakasakay na lumikas.

Pero tumanggi si Michael.

Hindi s’ya sumama!

Ang sabi n’ya…

“OK lang ako, maliligtas ako ni Lord!”.

Isang oras ulit ang dumaan. 

May mga lifeguard na dumating.

Nakasakay sa malaking life boat.

Sabi ng Lifeguard…

"Sumakay ka na, lilikas na tayo."

Alam mo ginawa ni Michael?

Tumangi ulit s’ya!

Hindi nanaman s’ya sumama!

Ang sabi n’ya lang… 

“OK lang ako, maliligtas ako ni Lord!”.

Maya-maya… lalong lumakas yung bagyo. 

Aabot na yung baha sa bubong ng bahay.

Sumunod na nag-rescue ay isang Helicopter.

Ang sabi nung mga piloto ng helicopter,

“Tara na! Sumama ka na! Aapaw na yung tubig!”.

Ang tigas ng ulo ni Michael, tumangi ulit s’ya!

Hindi pa din s’ya sumama!

Ang sabi n’ya… 

“Bakit ba ang kulit n’yo?! Umalis na kayo! May ibang magliligtas sa’kin. Ililigtas ako ni Lord!”.

Sa sobrang lakas ng hangin napilitang umalis yung helicopter.

Naiwang magisa si Michael.

After ng ilang minuto, umapaw ang baha. 

Patay si Michael.

Pagdating n’ya sa langit, ang unang tanong n’ya ay… 

“Lord nagdasal ako sa’yo ng mataimtim!

Bakit hindi mo sinagot ang dasal ko?

Bakit hinayaan mo kong mamatay?

Bakit hindi mo ko niligtas?”

May malaki at malakas na boses na sumagot…

At ang sabi… 

“Pinadalan kita ng bangka, life boat at helicopter”.

“Bakit hindi ka sumama? Bakit ka nagpaiwan?”

Katulad ka ba ni Michael?

May mga pinagdadasal ka din ba madalas?

...May magandang magbago?

...Mas gumanda ang takbo ng buhay mo?

...Matulungan mo ang mga mahal mo?

...Ma-solve na yung mga problema mo?

SOLUTION: Gumawa ka ng aksyon at sumakay ka!


Your #1 Fan,

Fibo Lim</div>